Thursday, March 31, 2011

BAKIT DI TOTOHANIN

Nilasing at inudyukan ni Martin (Vic Vargas) ang ina ni Andres (Johnny Delgado) na ipusta at ipatalo ang pinakamamahal na gym ni Andres. Para mabawi ni Andres ang kanyang gym, ay hinamon siya ni Martin na paglabanin ang kanilang mga anak sa isang boxing bout. Ngunit ang anak ni Andres na si Andrew (Jeffrey Quizon) ay walang hilig sa boxing kundi sa pagiging Reyna Elena sa santacruzan. Nanghina si Andres at umatras sa usapan ngunit hindi ang kanyang anak na si Katong (Judy Ann Santos). Siya ang papalit kay Andrew, isang magandang pagkakataong mapansin at mapamahal siya sa kanyang ama. Nagpakumbaba siyang humingi ng tulong sa isang magaling na trainer na si Paul (Piolo Pascual) na dati niyang crush ngunit ngayon ay lubha niyang kinaiinisan. Kaya kayĆ” ni Katong na pumasok at magtagumpay sa larangan ng sports na panlalaki? At sa kanilang pagsasanay, manumbalik kaya ang pagtingin niya kay Paul?

No comments:

Post a Comment