Thursday, March 31, 2011

MAHAL KITA... KAHIT SINO KA PA

Natagpuan ang bangkay ng isang pick-up girl malapit sa mga disco clubssa Quezon Avenue. Dahil ikatlong pangyayari na ito sa nabanggit na lugar, nasabi ng pulis na si Waldo (Mikey Macapagal Arroyo) na gawa ito ng isang serial killer. Naatasang gumawa ng balita sa naganap na pagpaslang si Karen isang journalist. Hindi matanggap ni Karen (Judy Ann Santos), ang anggulong serial killing lalo na nang nagbigay si Budol (Patrick Ervie Mateo) ng impormasyon tungkol sa nakita niyang pagdukot sa dalawang pick-up girls. Inis ang namamagitan kina Karen at Waldo tuwing magkikita sila sa imbestigasyon, professional competition, ika nga. Samantala, nadiskubre ni Karen at Waldo ang sindikato sa droga na pinamumunuan ni Bingo (Joko Diaz). Tinugis sila ni Bingo kaya't magkasama silang tumakas patungong kagubatan. Habang sinisikap nilang lumayo sa naka-ambang panganib, unti-unti namang napalapit ang kanilang damdamin.

No comments:

Post a Comment