Thursday, March 31, 2011

ABAKADA... INA

What does it take to be a mother, a wife and a daughter-in-law? Estella (Lorna Tolentino) is facing some serious problems in this regard. Relationship with her mother-in-law Miling, a teacher (Nida Blanca), is strained and living with her who also supports her family has not been easy. For years, husband Daniel (Albert Martinez), on the insistence of his mother, has been unsuccessfully looking for a job on board a ship. While Estella, who has not finished even grade one, ekes out a living as a market vendor. Miling has taken over Estella's family, insisting that Daniel try again to board a ship, even if she has to borrow money or pawn her valuables for him. She has taken over the care and supervision of her grandchildren and attributes this state of family affairs to her daughter-in-law, and has convinced her son to think so. She says that Stella is unreliable ("hindi maasahan"), useless ("walang silbi") and dumb ("tanga") or knows nothing. Miling sees her children's ambiguous attitude towards her, especially Beth, who has turned disrespectful. With dogged determination she sets out to regain her place in her family by trying to gather them around her.

BAKIT DI TOTOHANIN

Nilasing at inudyukan ni Martin (Vic Vargas) ang ina ni Andres (Johnny Delgado) na ipusta at ipatalo ang pinakamamahal na gym ni Andres. Para mabawi ni Andres ang kanyang gym, ay hinamon siya ni Martin na paglabanin ang kanilang mga anak sa isang boxing bout. Ngunit ang anak ni Andres na si Andrew (Jeffrey Quizon) ay walang hilig sa boxing kundi sa pagiging Reyna Elena sa santacruzan. Nanghina si Andres at umatras sa usapan ngunit hindi ang kanyang anak na si Katong (Judy Ann Santos). Siya ang papalit kay Andrew, isang magandang pagkakataong mapansin at mapamahal siya sa kanyang ama. Nagpakumbaba siyang humingi ng tulong sa isang magaling na trainer na si Paul (Piolo Pascual) na dati niyang crush ngunit ngayon ay lubha niyang kinaiinisan. Kaya kayá ni Katong na pumasok at magtagumpay sa larangan ng sports na panlalaki? At sa kanilang pagsasanay, manumbalik kaya ang pagtingin niya kay Paul?

GATAS SA DIBDIB NG KAAWAY

Diego (Jomari Yllana), a fisherman and husband of Pilar (Mylene Dizon), is accused and tortured for being a guerilla. Pilar begs the head of the garrison, Capt. Hiroshi Sugimoto (Kenji Motoki), for the release of her husband. Grateful for the conditional freedom of Diego and desiring to protect further her family, Pilar offers to be a wet nurse to Hiroshi's newborn son whose birth cost the life of Carmen, his Filipino wife. Diego takes this act suspiciously and resentfully, never understanding the motherly instinct the prompts Pilar to care for the baby and her desire for survival. The conflict in the story arises when Pilar has to choose between patriotism and her motherly instinct to protect innocent children. Further, her heart is now torn between her realistic love for Diego and her romantic love for the benevolent Hiroshi. Where will this lead her?

This beautiful film illustrates patriotism and the possible birth of a new race in the midst of war. It is also the story of the most universal feeling: love…for a lover, for a husband, for a child. All these are presented without heavy theatrical drama. The merits of Gatas lie in the cast's performance and the competence of Portes as director. Excellent cinematography highlights the bucolic scenes, the artistic lovemaking, and the intimate moments between a mother and her child. The film affirms Mylene Dizon's good acting. Kenji Motoki, in his first film, sensitively fulfills the requirements of his role as a Japanese officer at war. Jomari Yllana likewise shows his proficiency as an actor.

LUV TEXT

Laging nangangarap si Melissa (Judy Ann Santos) tungkol sa kanyang Prince Charming na si Ivan (Russel C. Mon) at ang magkaroon ng celfone para maka-text niya ito. Lahat ay pangarap lang dahil kahit anong gawin niya ay di pa rin siya pansin ni Ivan. Bukas na sikreto niya ito kay Banjo (Wowie de Guzman), matalik niyang kaibigan na may natatagong pagtingin sa kanya, na nagregalo ng celfone sa kanya ng palihim. Nahuli lang ito ng bestfriend niyang si Ebony (Wilma Doesnt) na nagpapadala ng text message kaya nabistong siya ang secrettextpal ni Melissa. Sa sama ng loob ay nagsumbong si Melissa sa kanyang Lola Cielito (Nida Blanca). Ngunit pinayuhan lang siya na iwasan ang mga lalaki dahil paiiyakin lang daw siya nila. Sa kagustuhan niyang malaman ang dahilan ng lihim na pagtangis ng kanyang lola ay natagpuan na lang niyang naglalakbay na siya pabalik sa panahon nito, ni Pablo (Carlo Muñoz) ang katipan ni Cielito, at ni Dimasalang (Luis Alandy) na isa ding lihim na mangingibig. May pag-asa pa bang maghilom ang pusong sinugatan ng pag-ibig noon at ngayon?

MAHAL KITA... KAHIT SINO KA PA

Natagpuan ang bangkay ng isang pick-up girl malapit sa mga disco clubssa Quezon Avenue. Dahil ikatlong pangyayari na ito sa nabanggit na lugar, nasabi ng pulis na si Waldo (Mikey Macapagal Arroyo) na gawa ito ng isang serial killer. Naatasang gumawa ng balita sa naganap na pagpaslang si Karen isang journalist. Hindi matanggap ni Karen (Judy Ann Santos), ang anggulong serial killing lalo na nang nagbigay si Budol (Patrick Ervie Mateo) ng impormasyon tungkol sa nakita niyang pagdukot sa dalawang pick-up girls. Inis ang namamagitan kina Karen at Waldo tuwing magkikita sila sa imbestigasyon, professional competition, ika nga. Samantala, nadiskubre ni Karen at Waldo ang sindikato sa droga na pinamumunuan ni Bingo (Joko Diaz). Tinugis sila ni Bingo kaya't magkasama silang tumakas patungong kagubatan. Habang sinisikap nilang lumayo sa naka-ambang panganib, unti-unti namang napalapit ang kanilang damdamin.

Mila

Natatandaan mo pa ba kung sino ang nagturo sa iyo ng pundasyon ng karunungan – ang tatlong "R": reading, (w)riting, (a)rithmetic? Pinararangalan ng Star Cinema sa kanilang ika-8 anibersaryo ang kabayanihan ng mga guro sa pelikulang Mila. Matalino, mabait, masipag at pasensiyosang guro sa mababang paaralan si Mila Cabangon (Maricel Soriano). Nauunawaan niya ang mga batang tinuturuan niya at ipinapakita niya ang malasakit niya sa kanila. Ngunit bigo siya sa pag-ibig. Ipinamigay siya ng kanyang ina sa tiyuhin niya (Berting Labra). Ang mahal niyang asawa (Noni Buencamino) ay nambubugbog at sugarol kaya't hiniwalayan niya. Sumama siya kay Primo (Piolo Pascual), isang waiter na nang malao'y nalaman niyang isa palang drug addict. Sa kabila ng mga trahedyang ito, buong pusong naghandog ng panahon, talino at yaman si Mila sa mga tao sa paligid niya. Nang mag-alsa ang mga guro laban sa di-makatarungang palakad ng gobyerno, sumama si Mila sa strike. Tila walang kahihinatnan ang strike kaya't napilitan siyang iwan ang kanyang mga kasamahan. Napadpad siya sa Ermita. Doon ay nakiisa siya sa buhay ng mga batang lansangan, mga palaboy, vendors at prostitutes. Naging bago niyang pamilya ang mga ito at ginawa niyang isang malaking silid-aralan ang lansangan para sa kanila.

MINSAN MAY ISANG PUSO

Sa loob ng dalawang taon mula nang ma-comatose si Tony, mag-isang itinaguyod ni Emily (Jaclyn Jose) ang kanyang asawa at dalawang anak na sina Irene (Dimples Romana) at Boyet (Carlo Aquino). Dahil sa laki ng ginagastos sa gamot, natigil sa pag-aaral si Boyet at tumulong na lang siya sa pag-aalaga sa ama. Napilitan siyang pumasok bilang katulong ni Mang Simon (Ricky Davao) sa panaderya. Samantala, si Emily ay baon na rin sa utang sa opisinang kanyang pinapasukan. Naragdagan pa ang kanilang suliranin nang si Irene, na inaasahan nilang makakatulong, ay mabuntis. Sa sama ng loob ay nasabi ni Emily "Minsan iniisip ko kung anong nagawa ko at nangyayari ito sa buhay ko!" Saan manggagaling ang tulong? Kailan magkakaroon ng kalutasan ang kanilang sitwasyon?