Thursday, March 31, 2011

Pangako Ikaw Lang

Naging patok ang tambalang Regine-Aga sa Dahil May Isang Ikaw kaya't ibinabalik silang muli sa bagong pelikulang Pangako . . . Ikaw Lang.

Naaksidente at nag-aagaw-buhay na itinakbo sa ospital ang pabling na si Vince (Aga Muhlach). Binibisita naman ni Cristina (Regine Velasquez) ang Papa (Robert Arevalo) niyang may sakit na cancer na naka-confine din sa nasabing ospital. Tuwing dumadalaw si Christine sa ama niya ay palihim na sumasaglit din ito sa kuwarto ng na-comatose na Vince. Isang araw ay nagkamalay ito habang binibisita ng dalaga at dahil sa pagkabigla ay nahugot ni Christine ang kurdon na nakakabit sa mga aparato. Inakala niyang namatay na ito at siya ang naging dahilan kaya't laking gulat ng dalaga nang makita itong muli paglipas ng ilang buwan. Tuwang-tuwa naman si Vince dahil natagpuan na niya ang "anghel" na matagal na niyang hinahanap. Nagkahulihan sila ng loob kaya lang ay may problema dahil malapit nang ikasal si Vince kay Kristel (Ricci Ocampo). Ano kaya ang magiging bunga ng bagong pagtitinginang ito?

No comments:

Post a Comment